Pages

Saturday, September 20, 2014

Online Business, Para Sa Iyo Nga Ba?

Hello mga Young Negosyante! It's been a while! Naging busy lang ako sa business at naiwan ko ito ng mangilang buwan. Well, back to business tayo!

Ever heard or seen some opportunities like "Work from home! Earn this much and so on and so forth?" Yan ang tinatawag natin na home-based/online business.

"SCAM YAN!"

Yan ang una mo sigurong iisipin kapag ganyan ang pinapakita. Siyempre, isipin mo naman, nasa bahay ka lang pero kikita ka ng pera? TOO GOOD TO BE TRUE DI BA?

Pero isipin mo, kung puro scam ang iisipin mo, bakit marami na ang naging successful dito? Bakit dumadami ang ganito? Oo hindi lahat ay legit at may scam naman talaga. Pero kung marami ka ng nakikita na kumikita talaga, bakit ka pa magdududa? Di ba?

BAKIT KA NAGDUDUDA?

Simple lang, kasi hindi ka makapaniwala na posible yang home-based/online business! At kung ganyan nga ang iisipin mo, eh malamang wala ngang mangyayari sa'yo.

ADVANTAGES OF ONLINE BUSINESS

Actually marami. Pero I will give you some.

1. COMFORT - Yes, comfort. You can work from your home, kasama ng pamilya mo while doing the usual things that you do like surfing facebook having fun with your family.

2. LESS HASSLE -  Kasi walang usok, di ka na bibiyahe pa, at siyempre, walang involved na pamasahe! Imagine that?! Ang laking tipid niyan

3. YOU ARE THE BOSS - Gasgas na yang linyang yan pero yan kasi ang totoo. Kung tinatamad ka, walang magagalit sa'yo. Kung sobrang sipag mo, advantage yan sa'yo dahil magre-reflect yan sa income mo. You can have a lot of holidays! You can choose your working time. Walang time-in, time-out. Di ba ang sarap?

4. GETTING IN TOUCH WITH PEOPLE -Hindi lang puro benta-benta ang online business. Ang nabi-build sa'yo eh yung inter-personal skills mo. Tignan mo ha, sa opisina, usually nasa cubicle ka lang. Mag-isa. Pag work time, para kang invisible. Pag lunch at uwian lang kayo nagkakausap. I don't know about you pero I like to talk to a lot of people. Gusto ko yung conversation ay dumadaloy. Meeting new people and establishing a relationship with them is exciting! Siyempre dapat genuine ha!

5. YOUR INCOME IS NOT FIXED BUT YOU DETERMINE YOUR OWN INCOME - Bahala ka kung gaano kalaki ang gusto mo. Depende yan sa sipag at dedikasyon at diskarte mo. Yun nga lang, kung tatamad-tamad ka, asahan mong wala kang makakain sa isang araw. Di ba? Kagandahan niyan, merong mga taong tutulong sa'yo sa negosyo. Sino? Yung mga taong nakilala at makikilala mo.

PERO DON'T GET ME WRONG

Hindi ko sinasabi na mag-quit ka sa job mo ngayon. Kung hindi pa self-sufficient ang online business mo eh continue your day-job. Build your online business until mas malaki na ang kita ng online business mo sa day job mo at self-sufficient na.

START WITH IT AS PART-TIME

Part-time muna. Wag bigla-bigla na magku-quit ka kasi once you burn your bridges, there's no turning back.

Ngayon, i-evaluate natin. Kung yang limang yan eh can meet your standards, then online business is for you! If not, then hingi nga siguro.

PERO

Kung gusto mong subukan, tapang at determinasyon ang kailangan mo. Hindi madali sa umpisa pero ang kagandahan eh madaming tutulong at magmo-motivate sa'yo. Remember, people with same minds attract each other.

FINAL WORD

Kung gusto mo yang limang yan, try it out. Again, start with it as part-time. Kung wala kang trabaho, think it again. Kaya mo bang magsimula ng maliit bago lumaki lalo na at wala kang source of income kundi ito? Let me say this again...

ONLINE BUSINESS IS NOT FOR EVERYONE...

However, if you dare try it, do it with passion and dedication.

To your journey,
Jay-R Dalida


===========================================================

Kung gusto mo subukan at magsimula ng online business, CLICK the picture to the right and watch the FREE video. FREE din ang registration sa website using the link below the video.

Kung entrepreneur ka, nasa MLM, at iba pang negosyo, I advise you to take a look at this. Napaka-powerful ng tool na ito and I am using it already. It turned out to be great! Tignan mo ang resulta ko na nasa picture below the line.

God bless sa inyo!

Young Negosyante,
Jay-r Dalida


No comments:

Post a Comment