"Don't put all your eggs in one basket."
Narinig mo na ba yang kasabihan na yan? Kahit i-take mo yan literally ay isa lang din ang kalalabasan niyan. Isa ito sa mga paborito kong quotes kasi tama naman talaga.
.:Bakit Kailangan May Multiple Sources of Income?:.
Kung kagaya kita na empleyado, malamang alam mo rin ang nararamdaman ko. Yung tipong kasusuweldo lang eh parang dumaan lang sa kamay mo yung suweldo mo. Yung tipong hindi mo na alam kung saan napunta. Mapapakamot ka na lang ng ulo tapos parang, "Hala! San napunta suweldo ko?" Tapos maghahantay ka na naman ng susunod na suweldo.
Saklap di ba?
Yan ang mahirap kapag umaasa lang tayo sa isang source of income. Lalo na kung hindi naman enough yung nakukuha mo tuwing suweldo. Sa dami ng kaltas at bayarin, hindi na uso ngayon ang umaasa ka lang sa isang trabaho.
"Wala kasi akong time diyan. Busy ako masyado sa trabaho."
Kung yan ang sagot mo, may tanong ako...
Hanggang kailan ka ganyan? Hanggang kailan ka walang time? Kung ganyan, isipin mo na lang pag nagka-pamilya ka na. Ganyan din ba isasagot mo sa asawa at sa mga anak mo?
Having multiple source of income will help you build, little by little, your future. Isipin mo na lang, kung dalawa ang source ng income mo, darating na ang panahon na yung side project mo ay lalaki ng lalaki hanggang sa malagpasan na nun ang nakukuha mo buwan - buwan!
"Masyadong risky yan! Maglalabas pa ako ng pera tapos walang kasiguruhan."
May tanong ulit ako sa'yo...
"Sigurado ka ba na safe ka diyan sa work mo ngayon? Sure ka ba na forever ka na diyan sa company mo?
Hindi naman sure yang mga bagay na yan eh. May iba nga, big companies tapos ilang taon after, nagsara dahil sa kakulangan ng kung ano man. Halimbawa, yung FedEx dati sa Subic. Daming empleyado dun. Sinong mag-aakala na lilipat yung FedEx na yun sa ibang bansa? Anong nangyari? Daming nawalan ng trabaho.
At kung risky ang rason mo para mag-generate ka ng multiple source of income, tatapatin kita, EVERYTHING IS RISKY.
Yung iba, sino bang mag-aakala na mababaril sila sa tapat mismo ng bahay nila? Just by going out of your house is risky. Sabi nga ng paborito kong motivational speaker/network marketer na si Jim Rohn:
"Everything in this life is risky. In fact, you can't get out of life alive. That's risky!"
Bakit ka matatakot sa possibleng solusyon sa problema mo na walang time? Madaming uri ng business na nag-aabang diyan. Ikaw na ang mamaili.
.:A Step to Financial Freedom:.
Alam mo ba na halos lahat ng tao ay nagta-trabaho ay dahil sa isang bagay? Financial freedom. Pero teka, possible ba yun kung isa lang ang source of income mo? Bakit yung iba, 40 years na nagtatrabaho eh wala pa rin silang Financial Freedom?
Simple lang: hindi sila open sa idea na magkaroon sila ng isa pang pagkukunan ng income.
Si Tony Tan Caktiong, owner ng Jollibee, milyonaryo. Tinging mo ba maa-achieve niya yun kung isa lang branch ng Jollibee niya? Impossible yun! Sa Pilipinas meron siyang 2000+ stores pinagsama-sama na lahat ng iba pa niyang pag-aari. At lahat yun ay nag-ge-generate sa kanya ng income. See my point? So anong nangyari sa kanya at anong napala niya?
TIME AND FINANCIAL FREEDOM.
Dahil network marketer ako, hindi ko sinasabi na mag-network marketing ka dahil sa totoo lang, hindi para sa lahat ang network marketing. Marami pang business ideas diyan na maaari mo pang gawin na mag-ge-generate sa 'yo ng another income mo.
Decide now. If you say you're too busy for this, then nasa iyo na yan. Kung gusto mo ng habang buhay kang walang time, ituloy mo lang yan. Tandaan mo lang, kahit anong taas pa ng posisyon mo sa work mo ngayon, hindi mo yan maipapamana sa mga anak mo paglaki nila. :)
Good morning and God bless!
Valcrist Dalida
====================================
BALAK MO MAG-NEGOSYO PERO NATATAKOT KA?
Ito ang isang libreng eBook tungkol sa pagne-negosyo. Tagalog version kaya madaling maintindihan.
Click mo lang yung link para sa FREE eBook!
FREE eBook!!!
Aralin mabuti at good luck sa balak mong pasuking negosyo!
Sincerely,
Valcrist
No comments:
Post a Comment