Pages

Friday, February 7, 2014

Building Your Attitude Through Reading Books: Invest on Books + BONUS!!!





Good morning mga Young Negosyante!

Ngayong araw na ito ay nais kong iparating sa inyo ang isang mensahe na natutunan ko, ang pagi-invest ng time at money sa libro. Teka lang, bakit libro? Alam ko yan ang tanong ninyo nung mabasa ninyo ang title. Ipapaliwanag ko sa inyo.

.:Knowledge is Power:.


Alam ko narinig niyo na itong salitang ito kay Ka Ernie pero ang sinasabi niya ay isang katotohanan.

Hindi ko sinasabi na magbasa ulit kayo ng mga textbooks niyo noong high school kayo. Yung mga librong sinasabi ko sa inyo eh yung mga self-development books at mga inspirational books.

Sa negosyo, hindi sapat lang yung mga natutunan natin nung tayo ay nag-aaral pa. Surface pa lang yun ng kailangan pa nating matutunan sa buhay, lalo na at kung hindi naman related sa business ang course na kinuha mo nung kolehiyo ka. So in short, para tayong mga grade 1 pagdating sa pagne-negosyo, and what we should do is to attend available trainings and buy some books. Dapat meron tayong sapat na kaalaman sa ating pinasok na negosyo.

.:Magkaroon ng Coach:.

Bilang isang Young Negosyante, ang pinaka-importante eh meron tayong mga taga-push sa atin. Dapat meron tayong coach. Kung wala ka pa nun, puwede tayong tumingin muna sa mga libro at ito ang ituring nating ating mga coach.

Sa mga librong ito, lahat ng mga nagtagumpay na sa buhay at negosyo ay nagututuro kung paano mo maaabot ang estado nila, from motivational messages to their life story, nandito na yan. Ang mga librong ito ang magsisilbing coach natin.

.:Ang Attitude ng Isang Tao ay Malalaman Mo Sa Mga Libro Na Binabasa Niya:.

Paborito ko itong "quote" na ito dahil ito ay likas na may katotohanan.

Tulad halimbawa ng isang babae na mahilig magbasa ng romantic novels. Maaari nating sabihin na ang attitude niya sa love ay very romantic. Kung yung isang lalake ay mahilig halimbawa sa horror books, maaari nating sabihin na mahilig siya sa adventure. Bilang Young Negosyante, dapat tayo rin ay nagbabasa. Ang attitude kasi natin sa buhay ay nagre-reflect sa ating business.

So ano ba dapat ang binabasag libro ng mga Young Negosyante?

Ilan sa mga mare-recommend ko eh libro nila:

Robert Kiyosaki (Rich Dad, Poor Dad series)
John Maxwell
Chinkee Tan
Vic & Avelynn Garcia
Zig Ziglar 
Mga libro na may positive approach on life at yung mga tungkol sa dealing with people

Marami pang iba diyan pero I suggest na tignan niyo muna itong mga ni-recommend ko. Sila ang puwede natin gawing mga life coach habang wala pa tayong mga life coach talaga. 

We should invest on books. Marami kasi tayong matututunan sa mga ito at bilang mga Young Negosyante, dapat ay i-adapt din natin itong mga natutunan natin dahil naniniwala ako na attitutude natin ay may factor sa paglago ng ating negosyo.

INVEST ON BOOKS, INVEST ON LIFE!

Hanggang sa muli at mabuhay tayong mga Young Negosyante!


Valcrist Dalida
2/7/2014


==========================

Nasa netowrk marketing business ka ba or nagbabalak pumasok? Hirap ka ba sa pagi-invite ng mga guest mo para mapasali sa iyong business?

Puwes, itong eBook na ito ay para sa'yo!

Sa eBook na ito ipapakita ang katotohanan sa network marketing at kung bakit wala kang mapasali kahit na todo hataw ka.

CLICK MO NA ANG LINK TO GET YOUR FREE eBOOK NOW!


Libreng eBook para Sa'yo!!!

Paglilinaw lang, hindi po ako ang author ng eBook na yan. Gusto ko lang i-share yan dahil ang ganda talaga ng laman. Naisip ko na ibenta yan pero dahil gusto ko rin makatulong, libre ko na ipapamigay! Ito ulit yung link:

Libreng eBook para Sa 'yo!!!

Good luck sa business!!!

Sincerely,
Valcrist Dalida

No comments:

Post a Comment