Wednesday, February 5, 2014
Bakit Network Marketing?
Welcome sa page na ito! Natutuwa ako at napadpad ka dito!
Alam mo ba kung bakit ako natutuwa? Ito ay dahil sa iyong mind-set na sa ganyang edad na habang bata pa eh pumapasok agad sa pagnenegosyo.
Marami sa atin ay nag-hahantay pa ng ilang taon para lang makapag-negosyo. Alam mo ba na yung iba eh willing gumastos ng daang libo para lang makapag-pundar ng negosyo na walang kasiguruhan?
Ang dami-daming uri ng business na puwedeng pasukin sa panahon ngayon pero dalawa lang ang pinaka-matindi:
1. Franchising
Alam natin na ang franchising ay matindi talaga ang kitaan. Imagine, makapag-franchise ka ng Jollibee. Di ba ang tindi nun? Isipin mo na lang nag kita mo sa isang buwan! Ilang buwan lang eh bawing-bawi mo na ang puhunan mo. Pero alam mo mas matindi dun? Ang mahal ng franchising cost nito! Sa aking pagkakaalam ay nasa P30 Million na ito considering yung value naman kasi ng Jollibee!
Baka sabihin mo eh mataas masyado yung sinasabi ko. Sige, diretso tayo sa food cart franchising.
Let's say na nag-franchise ka ng Waffle Time na food cart (libre ads to! :)). Dahil may pangalan na ito, malamang sa malamang eh aabot ka ng P50,000 minumum para sa cart na business na ito! Ang laki di ba? Pero sure ka na mababawi yun dahil kilala naman ang Waffle Time. Eh pano kung hidni kilalang food cart? Ay grabe, P15,000 ang start up mo dun. Ang masaklap, di ka pa sure kung mababawi yun dahil nga hindi ito kilala.
Ikalawa ay ang sikreto ng mga mayayaman...
2. Leverage System Marketing
Para mas maintindihan, ganito ang leverage marketing.
Si Tony Tan Caktiong ay may ari ng Jollibee, Mang Inasal, Chowking, Greenwich, Red Ribbon, at Burger King Phils. .
Sa buong Pilipnas, ilan ang branch ng mga fastfood chains niya kaya ang meron? MARAMING-MARAMI!
Sa Luzon na lang kaya? Ilan ang branches ng Jollibee? MARAMI!
Sa Metro Manila na lang kaya? MARAMI PA RIN!
Sa mga chains na yun, nakita na ba natin siyang nag-serve ng pagkain? Nag-take ng orders natin sa cashier? Nag-linis ng mesa na ating uupuan?
Sagot: HINDI.
Isipin mo na lang, sa dami ng branches ng chains niya, napakarami ng mga tao na nagta-trabaho para sa kanya. Pero ang matindi diyan, kahit wala siya sa mga chains na yun eh kumikita siya ng pera. At mas matindi dun, kahit tulog siya o nagbabakasyon eh kumikita pa rin siya!
Yan ang tinatawag natin na LEVERAGE BUSINESS
Sa pamamagitan nito ay hinahati mo ang iyong oras, eneryhiya, kakayahan, at abilidad sa ibang mga tao.
And the best way to be involved in LEVERAGE MARKETING BUSINESS eh ang pagpasok sa Network Marketing Business.
Natutuwa rin ako dahil ito ang business na pinasok mo, network marketing. Ano nga ba ang maganda sa business na ito?
1. Ang pinaka-matinding advantage nito ay ang SMALL CAPITAL pero HIGH POTENTIAL OF EARNINGS! Saan ka nakakita ng negosyo na magka-capital ka ng less than P10,000 tapos posible kang kumita ng milyon in a span of a year or two? Ang kagandahan dito eh we are taught to start small. Everything starts small naman talaga.
2. Since network marketing has products na ususally eh nakakatulong sa health, nakakatulong itong industry na ito na mag-promote ng healthy lifestyle dahil sa mga products na kine-cater ng bawat company.
3. Ito lang ang business na nakita ko na nakakapag-build ka ng relationship sa mga tao. People's business ito kumbaga. Natututo kang makisalamuha sa mga tao. Ang kagandahan, tulungan kayo. You can share your experiences in business at iba pa na makakatulong sa bawat isa.
4. Itong business na ito ay may opportunity ka na makapag-work sa bahay niyo lang! Oo! Seryoso! Marami na ang mga tao sa network marketing business ang gumagawa nito.Uso na kasi ang online marketing salamat na rin sa Facebook, Twitter, at iba pang social networking sites!
5. Ito ang business na angkop sa panahong ito! Sa panahon ng social networking sites at cellphone, napakadali na lang makipag-kilala sa ibang tao, make new friends, rekindle old relationships at marami pang iba. You build your own network of friends! Angkop na angkop talaga! Ganun din kasi sa netowrk marketing. Hindi lang basta recruit-recruit. Establish bonds between customer and distributor, even making the customers distributors as well to earn money!
Kaya kung papipiliin mo ako among the business, Network Marketing pa rin ang pipiliin ko.
Kaibigan, kung nababasa mo ito, ang mensahe ko lang sa atin ay galingan natin sa negosyong ito at unahin natin lagi ang wellness ng ating customers. Lagi natin isapuso ang pagtulong sa iba bago tayo.
At kung nagpa-plano ka pa lang na pumasok sa network marketing company, simulan mo na mag-decide, lalo na at habang bata ka pa. Wag ka ng mag-antay na pag matanda ka na eh tsaka ka pa lang magi-isip. Baka huli na ang lahat kapag ganun.
Muli, salamat sa pag-basa ng blog na ito. Ito ay lagi ko pang ia-update.
Good luck sa atin!
Valcrist Dalida
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment